Tamang Paggamit ng Pera

Tamang Paggamit ng pera

*Yung tipong kakakuha mo pa lang ng allowance mo tas malalaman mo na lang na ubos na siya
ng hindi mo nalalaman kung saan mo ginastos!

*Nung wala kang pera ang dami mong bibilhin tas nung nagkapera kana nakalimutan mo
yung mga bibilhin mo hanggang sa naubos mo ang pera mo sa mga bagay na di mo kailangan.

*Nung sumweldo ka confident ka na marami kang pera tas malalaman mo na lang na kulang
yung budget mo!

Isa ba yan sa mga problema na kinakaharap mo? pwes tama ka ng pinuntahan, dito matututo
ka kung paano nga ba ang tamang paggamit ng pera.

1.Mag ipon- yes! isa sa mga magandang gawin para magamit mo ng tama ang pera mo ay ang mag ipon, para hindi ka dadating sa punto na naubos ang pera mo at wala kang natira, dito maubos man
atleast may pera kang ipon.

Paano nga ba mag ipon?
*Pay yourself first- kapag nakuha mo na ang allowance mo o ang sweldo mo, mabuting magtabi
kana kaagad ng pera at ang natira ay ang siyang gagastusin mo, maubos man ay may ipon kana.

2.Ilista ang mga gastusin- o tinatawag na pag bubudget, bago dumating ang sweldo o allowance mabuting ilista na ang mga gagastusin para kapag may mga bayarin kana ay hindi ka panay hugot lang sa bulsa o wallet mo tas malalaman mo na lang na ubos na pala, maganda kung planado ang lahat.

3.Huwag magpadala sa tukso- lalo na sa mga pagkain, kapag inaakit ka nila wag kang magpapadala, it's a TRAP!! hahaha, kung naka budget na ang pera mo tas makakakita ka ng pagkain wag kang papayag, mawawala ang balanse ng pag bubudget mo, kung alam mong di mo matitiis ang pagkain, matutong magtabi ng extra para sa mga ganitong pagkakataon.

4.Palaguin ito- diba mas maganda kung yung pera mo ay nalaki kaysa naliit? paano nga ba ito palaguin? kapag may pera kana na malaki matutong mag invest, may mga inooffer ang bangko about investment na makatutulong para palaguin ito, maganda rin kung magtatayo ka ng negosyo, kapag may pera ka ng malaki,kaysa ubusin mo ito gawin mo itong kapital o puhunan para magka negosyo ng sa gayon ay tumubo ka dito.PERO wag magpapadala sa mga nangangako na mag iinvest ka tas kikita ka ng malaki, wag agad maglabas ng pera kung di ka sigurado, mabuting mag research para makasigurado baka kasi paglabas mo ng pera wala ng
bumalik sa iyo. Prevention is better than cure.

5.Bayaran na lahat ng utang- mas maganda kung walang iniintinding utang, para kapag may pera kana hindi ka hahabulin ng pinag kautangan mo, para hindi ka maging bayad utang, nagkapera ka nga pero saan napunta sa pinagkautangan? edi nawala din.


Iyan ang ilan sa mga paraan kung paano ang tamang paggamit ng pera, mas mabuti ng may alam kaysa ubos-ubos biyaya tas kinabukasan nakatunganga, kapag naghirap ka wala kang ibang dapat sisishin kundi ang sarili mo din dahil di mo ginawa ang tama.

Sana'y nakatulong ako :) kung may mga katanungan maaaring magbigay ng komento sa ibaba :)
God Bless...

Comments

Popular Posts